Pagsusuri ng "Ang Munting Prinsipe" ni Antoine de Saint-Exupéry




                                                                                    The Little Prince 2015 dir. Mark Osborne

Ang Munting Prinsipe ay isang kwento tungkol sa isang batang prinsipe na bumisita sa bawat planeta ng kalawakan, at kasama na din dito ang daigdig. Ito ay isinulat ni Antoine de Saint - Exupery na isang komunista, makata, peryodista, at pilotong pranse. Ang librong ito ay unang inilathala sa mga wikang pranse at ingles noon 1943. Bagaman pambata ang estilo ng pagkasulat nito, hinahangad ng kwentong ito na talakayin ang mga tema tulad ng kalungkutan, pagkakaibigan, pag ibig at kawalan, at nagbibigay din ito ng mga pagmamasid tungkol sa buhay at kalikasan ng tao. Ang kwento ng munting prinsipe ay nagpaantig sa puso ng maraming nakakatanda at mga batang mambabasa nito. Ating pagsuriinn ang mga teoryang pampanitikan na nakikita sa nobela, hatid na mesnahe ng nobela, at mga aral sa buhay na maaari nating matutunan sa nobelang ito. Ang nobelang ito ay nagbilin ng malaking impluwensya at marka sa kasaysayan ng literatura. 


Buod                                                                                                         

Ang nobelang ito ay isinalaysay ng isang piloto, kung saan naging inspirasyon ng may akda dahil sa kaniyang karanasan bilang piloto. Nagsimula ang kwento sa pagkabagsak ng eroplano ng tagapagsalaysay kung saan siya ay napilitang huminto sa isang disyerto. Kahit ika ilan pang subok ng tagapagsalaysay na ayusin ang makina ng eroplano, hindi pa din ito gumagana, kaya kailangan ng tagapagsalaysay na magpahinga muna sa gitna ng disyerto. Isang araw habang natutulog ang pilotong tagapagsalaysay, nagpakita ang isang batang lalaki na tila nakakaiba ang dating. At biglang sinalubong ng batang lalaki ang tagapagsalaysay na piloto. Nais ng batang prinsipe na guhitan siya ng tupa. Sa halip nito, ipinakita ng piloto ang kaniyang iginuhit na elepanteng nilamon ng sawa, at nagulat siya na bigla itong naunawaan ng batang lalaki. Dahil sa pag pumilit ng batang lalaki, biglang napatanong ang piloto kung bakit niya ito kinakailangan. Ang batang lalaki ay nagmula sa isang maliit na planeta. Dahil sa kaliitan ng planeta, ma-aaring malakbayan ang kabuohan ng planeta sa ilang hakbang lang. Ikinuwento ng batang lalaki sa pilotong tagapagsalaysay tungkol sa puno ng baobab kung saan niya kinakailangan ang tupa. Kinakailangan ng batang lalaki ang tupa dahil kinakain nito ang mga usbong sa puno ng baobab, kapag ito ay lumaki, maaaring mas maging malaki pa ito sa pinagsama samang sampung elepante at maaaring masira ang planeta ng batang lalaki. Dahil nagpumilit ang batang lalaki, sinubukan niyang gumuhit ng tupa, pero ang kaniyang nagawa lamang ay isang kahon na may tatlong butas. Ipinakita ng pilotong tagapagsalaysay ang kaniyang iginuhit, at bigla naman itong naunawaan ng lalaking bata, kaya namangha ang piloto dahil napakalayo ng kaniyang iginuhit sa tupa. Ayon na man sa batang lalaki, mayroong isang batang tupa na natutulog sa loob ng kahon na iginuhit ng piloto, kaya ito ay natuwa at nagpapasalamat sa piloto. Habang sinusubukan ng piloto na ayusin ang makina ng eroplano, natutunan ng piloto ang kwento ng buhay ng batang lalaki na, sa kalaunan ay, pinangalanan niyang "Ang Munting Prinsipe". 

Sa planetang tinitirhan ng Munting Prinsipe, may isang nakakapagsalita na rosas ang namukadkad. Minahal ito ng Munting Prinsipe, subalit, nangibabaw ang kapalaluan at kaimbutan nito. Naramadaman ng Munting Prinsipe na pinagsasalamantahan lamang siya ng rosas, kaya siya ay nagpasya na iwanan ito at lakbayin ang kalawakan. Maraming paglalakbay ang ginawa ng Munting Prinsipe sa kalawakan, bago niya marating ang daigdaig umaabot sa anim ang bilang ng planetang kaniyang inilakbay. Bawat planetang kaniyang nalakbayan, ito ay pinaninirahan ng iisang kakatwang matandang tao. Mga matatangdang tao na iba't iba ang layunin sa buhay. At dito napansin ng munting prinsipe ang kakaibang kilos ng mga matatatanda. 

Sa disyerto unang lumapag ang Munting Prinsipe nang dumating siya sa daigdig. Nakilala niya ang isang ahas na nagsabi sa kaniya na may kapangyarihan siyang bumalik sa kaniyang pinagmulan kung naisin man niyang umuwi na. Nakilala rin niya ang isang bulaklak na nagsabing ang mga tao ay "walang mga ugat" at "nililipad lamang ng hangin" 

Sa kalaunan, nakakita ang munting Prinsipe ng isang palumpong ng mga rosas at lubhang ikinalungkot niya na ang kaniyang rosas, sa kaniyang planeta ay hindi pala natatangi sa buong sansinukob. Sa paglalakabay nang Munting Prinsipe, nakilala niya ang isang tumanggong na nagsasabing kung "mapaamo" siya ng munting prinsipe, magiging "katangi-tanging" sila sa bawat isa. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa at napagtanto ng Munting Prinsipe na ang kanyang rosas sa planeta niya ay katangi-tangi dahil sa pagmamahal na binibigay niya para rito. bago umalis ang Munting prinsipe, ibinilin ng tumanggong ang paalala na:

"Makakikita ang tama sa pamamamagitan lamang ng puso. Ang mga bagay na mahahahalaga ay hindi nakikita sa mga mata"

Sa ikawalong araw na sa desyerto ang piloto at ang Munting prinsipe. sa kabila ng matinding pagkauhaw, sa kinaumagahan ay nakakita sila ng balon at nakainom ng tubig. kalaunan, naayos ng piloto ang kaniyang eroplano at inamin ng Munting Prinsipe na "uuwi" na siya sa pinagmulan niya upang makita muli ang kaniyang rosas. Agad na naunawaan ng piloto ang balak ng Munting prinsipe, kaya nais niyang hindi pabayaan ang munting bata.

Sa isang emosyonal na pamamaalam, sinabi ng Munting Prinsipe sa piloto na pagmasdan niya ang mga bituin sa kalangitan at ang mga ito ay tatawa tulad ng pagtawa ng Munting Prinsipe. At tahimik na nabuwal ang kanyang katawan sa buhangin. Kinabukasan, bago niya nilisan ang disyerto ay hindi na mahanap ng piloto ang Munting Prinsipe


Mga Teoryang Pampanitikan na masusuri sa kwento                                           

Ang kwento ng Munting Prinsipe ay nagpapakita ng mga teoryang Pampanitikan. Ang mga Teoryang Pampanitikan na makikita dito ayon sa aking pagsusuri ay Biograpikal, Humanismo, Romantisismo, At Realismo.

Biograpikal - Naipakita sa kwento ang Teoryang Pampanitikan na Biograpikal sa paraan nang pagbibigay ng may akda ng impluwensiya sa kaniyang makatotohanang karanasan bilang piloto. Ito ay ipinakita sa kwento sa unahan nang ipinakilala ang tagapagsalaysay na piloto.

Humanismo - Naipakita sa kwento ang Teoryang Pampanitikan na Humanismo sa paraan ng pagpapakita  ng mga makatotohanang pangyayari sa buhay ng tao. Halimbawa, ang mga matatandang iba iba ang mga layunin sa buhay.

Romanitisismo - Naipakita sa kwento ang Teoryang Pampanitikan na Romantisismo, dahil ang kwento ay nagpapakita ng iba't ibang emosyon sa iba't ibang karanasan ng bawat tauhan. Ito man ay mapa pag-ibig, kalungkutan, galit, at katakutan.  

Realismo - Sa kwentong ito, naipakita ang Teoryang Pampanitikang Realismo sa iba't ibang paraan. Halimbawa na dito ang pagpapakita ng tunay na diwa ng pagkakaibigan. At ang pagkakaiba-iba ng mga layunin ng bawat tao sa mundo.


                                                                               The Little Prince 2015 dir. Mark Osborne

Ang kwento ng Munting Prinsipe ay maaaring naiulat sa estilong pambata, ngunit hindi natin maaaring tanggihan ang mga aral at karanasang ipinapakita ng kwentong ito. Galing sa mga aral na nagbibigay ng halaga para sa kapaligiran, hanggang sa mga aral  na nagbibigay ng importansya ng kabaitan. Ito ang mga aral sa buhay na maaaring matutunan sa Munting Prinsipe:

1. Huwang maging mahilig sa mga numero. Hindi nakabase sa numero ang pagkatao ng isang tao, ito man ay sa kung magkano ang kinikita ng ama ng indibidwal o sa gaano ito ka yaman. malalaman mo ang pagkatao ng isang indibidwal sa puso at hindi sa materyalismong bagay.

2. Huwag manghusga sa kapwa base sa kanilang mga pinagsasabi, ngunit sa kung ano ang ginagawa nila 

3. Ang mga relasyon kagaya ng pagkakaibigan ay ang nagbibigay ng dahilan kung bakit napakahalaga mabuhay.

4. Ang mga importanteng bagay ay hindi nakikita sa mga mata, nguit sa puso lamang.

5. Ang iyong oras na ibinibigay mo sa isang bagay ay ang nagpapahalaga nito. 

Para sa akin, ang mga aral na ito ay nagbiling napaka importante. Ito man ay isang simpleng kwento, ngunit ang Munting Prinsipe ay matalino mula sa kanyang mga mensaheng napakabuluhan at sa kanyang mabuting kalooban. Ang kwento ng Munting Prinsipe, naway maging aral sa atin na napaka importante na paglaonan ng oras ang mga bagay nagbibigay ng halaga para mabuhay, dahil napaka mahalaga ng buhay, kailangan lang nating makita ito mula sa puso at hindi sa mga mata. At ngayon ito ay isang tanda para saiyo na tingnan ang mga bituin, huwag magpadala sa mga hamon ng buhay, maging matatag at gawin mo ang mga gusto at mahal mo. Kahit paminsan ay nakakaisip tayong mahirap mabuhay, kailangan lang natin tingnan ang mga mabuting parte nito. Nawa'y maging masaya ka sa iyong paglalakbay sa buhay, dahil tayo'ng lahat ay minsan ding naging ang Munting Prinsipe.

                                                                             The Little Prince 2015 dir. Mark Osborne




  "Lahat ng matatanda ay noon din naging bata... ngunit iilan                            lang sakanila ang nakakakaalala nito"
                                          -Antoine de Saint-Exupey, Ang Munting Prinsipe


Comments

  1. Congrats Cher Aubrey!!!!!! LPT na cutie paaaa‎ ♡₊˚ 🦢・₊✧ ౨ৎ ⋆。˚

    ReplyDelete
  2. I WOULD GIVE UP HEAVEN IF I HAD TO, congrats t. princess aubrey ochia, LPT love you po well deserved ! pano BA mag mention dito ‼️

    ReplyDelete

Post a Comment